Super deadma!: Joel Cruz maysakit na kalimot

NOONG time na tinitira ang ilusyunadang Lord of Scents na si Joel Cruz ng kampo ni Lovi Poe, walang ibang nagtanggol sa kanya kundi kaming dalawa ng aming BFFT (Bestfriend Forever Talaga) at Patnugot namin dito sa institusyon ng Remate Tabloid na si Pete A. Alam, naman kasi namin na nasa tama at prerogative ng baklitang ito kung sino ang dapat niyang i-renew bilang endorser ng kanilang mga produkto.

Kung nakikita niyang lugi siya sa scent na ini-endorso ni Lovi Poe dahil sa hindi nga raw naging maganda ang sales nito sa market, dahil siya ang owner ng walang bango niyang scent company ay nasa kanya ang lahat ng desisyon kung hindi niya pinapirma uli ng panibagong kontrata ang alagang ito ni Leo Dominguuez.

Kami, wala kaming inaasahan na kapalit sa ginawa naming pagdedepensa sa bayot na ito. Ang sa amin lang, kaya kami nagagalit ngayon ay biglang nagka-amnesia yata ang
Joel na ito at mukhang nakalimutan niya kaming pasalamatan man lang ni Pete sa ginawa naming effort na paliwanagan ang kampo ni Lovi.

May OPM pa ang dating publicist nito sa isang project na si Chock Gomez (di kaya chalk na lang ang dapat itawag sa vaklung na ito dahil burado rin ang isip) na pagdating na pagdating kuno ng amo (Joel) niyang pa-girl galing sa trip nito sa abroad at nakausap niya na raw ito sa cell phone ay magpapa-interview raw ito sa aming dalawa ni Pete. Nasaan? Nagka-amnesia kaya ang bading na ito na nag-iilusyon pang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng artificial insemination? Bakit sa palagay mo Vaklush mabubuntis ka? Maysakit sa limot gyud!

***

Mga issue na dapat abangan sa ‘The Buzz’ sa Linggo

DAHIL pagdating sa mga latest happenings sa showbizlandia ay hindi nagpapahuli ang “The Buzz,” this Sunday (july 10), ilan sa mga issue na dapat nyong abangan ay ang follow-up sa kasong pananakit ng kanyang mga katulong ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Sinipot ba ni Soriano ang hearing nito last Wednesday sa Barangay Poblacion sa Makati? May special feature din ang The Buzz sa pagkakapanalo ng Azkals Philippine Team kontra Sri Lanka kung saan todo suporta si Angel Locsin kay Phil
Younghusband. At dahil sa July 11 na ang pilot episode ng pinakabagong teleserye ng Dos na “Reputasyon,” malamang magpo-promote sa nasabing world-class showbiz-oriented talkshow ang pangunahing bida sa nasabing serye na si Cristine Reyes.

Aminin na kaya nito ang plano nilang pagpapakasal ng boyfriend niyang si Rayver Cruz? Siyempre pa, masosorpresa rin kayo sa mga celebrity guest nina Charlene Gonzales sa kanyang segment na Straight from The Heart at TGIS o Toni Gonzaga Intriga Statements. Ang isa sa mga tinututukan sa The Buzz ay ang makatotohanan at matapang na komento ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda kasama ng kanyang mga magaganda at talented na co-hosts na sina KC Concepcion, Charlene Gonzales at Toni Gonzaga sa Buzz Uncensored.

Dito sa segment na ito, walang harang lahat at malayang nasasabi ng diretsahan nila Kuya Boy ang kanilang mga saloobin sa mga controversial issue na kinsasangkutan ng iba’t ibang celebrity.

Kaya para maging updated kayo sa mga latest chika, watch na kayo always ng The Buzz every Sunday sa ABS-CBN-2 after “Good Vibes” nina Sam Concepcion at Enrique Gil.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply