Super Task Force, ikinasa ng PNP sa Sona ni PNoy

ITINATAG ng Philippine National Police (PNP) ang isang “Super Task Force” para masiguro ang katahimikan sa paligid ng pangalawang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino kasunod ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hulyo 25.

“The PNP will ensure that the President’s second Sona will be safe, secure and successful. We will thwart all possible threats,” pahayag ni PNP Director General Raul M. Bacalzo.

Ang pagbuo ng Super Task Force Kapayapaan (Peace) ay iniutos ni Bacalzo at itinalaga si Chief Supt. Alan Purisima, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bilang commander nito.

Inasatan si Purisima para pamahalaan ang lahat ng security operations sa Metro Manila sa pakikipag-koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman dito.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr, ikakasa rin ang police checkpoints sa lahat ng major thoroughfares at palalakasin pa ang paglalagay ng mobile at foot patrols.

Manggagaling ang suporta mula sa PNP headquarters, national units, ang directorial staff at regional offices 1, 2, 3, 4A at 5.

Maliban pa dito, magkakasa rin ng limang regional office na may 1,500 civil disturbance management troops para umistambay sakaling kakailanganin ang kanilang puwersa.

Maliban sa AFP, tutulong din ang Presidential Security Group at iba pang ahensya para magbigay ng seguridad sa Sona, dagdag pa ni Cruz.

“We ask the public for their continued support and cooperation by reporting suspicious-looking persons in their areas. The checkpoints will be intensified days prior to the Sona,” pahayag ni Bacalzo.

Ang Sona, na idedeliber ni Pangulong Aquino sa Batasang Pambansa building sa Quezon City ay dadaluhan ng miyembro ng Kongreso, ranking government officials, miyembro ng diplomatic corps at iba pang VIPs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply