Superfab!: Si ER Ejercito ang makapagpapauwi kay Nora sa Pinas

KUNG hindi nagtagumpay ang TV5 na pauwiin ang supertar Nora Aunor as juror sa nakaraang “Talentadong Pinoy” finals sometime last summer, this time, ang “power ” ni Governor ER Ejercto ang masusubukan kung kaya nga ba nitong mapauwi ang aktres sa ‘Pinas.

Eh kasi nga, inoper pala kay Nora ang role as Maria Agoncillo, second wife ni Emilio Aguinaldo, ang isa sa mga bayani ng ating bansa noong panahon pa ng mga Kastila at ayon sa aming nakalap na info, tinanggap daw nito ang offer from Gov. ER for the movie “El Presidente.”

Unang inioper ang role ni Maria Agoncillo kay Gov. Vilma Santos-Recto, pero dahil sa kabisihan at napasabay pa sa Batangas fishkill, na siyang prinoblema ni Ate Vi (palayaw kay Vilma), nag-decline ang Star for All Seasons kahit pa napakaganda ng role.

Balitang ang malaking bayad na milyones ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit tinanggap ng superstar ang offer. Balita kasing dati’y mayroong isang film company na binabarat-barat si Nora, kaya’t nag-say-NO ito sa offer dati.

But with ER’s offer na irresistible, with good accomodations, free board and lodging, may pa-kotse pa, at plane tickets for her and entourage, sino ba naman ang nasa katinuan ang isip na tatanggi?

Hahanap daw ang El Presidente, staff and production crew ng isang bahay malapit sa Aguinaldo Shrine sa Laguna para sa safety at malapit na access sa siyuting para maiwsan ang mga aberya sa pagta-travel papuntang location.

Kaya’t isang palaisipan kung this time, seryoso na si Nora sa tinanguang commitment. Kaya, don’t judge too early, wait na lang tayo kung magwo-work ba sa aktres ang kakaibang “magic” na taglay ni Gov. ER  dahil ‘pag nangyaring mapa-uwi nito si Nora sa bansa, for the record ito kumbaga o kaya’y maisusulat sa kasaysayan ng pinilakang tabing, o ng lokal na showbiz.

Kung ang three giant networks diumano ay hindi nagtagumpay na maibalik-sa-bayan ang aktres sa pamamagitan ng isang trabaho, si ER lamang pala ang katapat ni bulilit?

—@@@—

UMUUSOK ang bibig ni Mark Gil sa galit dahil sa diumano’y panlalaglag ng lalaking nakabuntis sa anak na si Andi Eigenmann. Ani Mark sa “The Buzz,” sa panayam ni Kuya Boy Abunda, binugbog at diumano’y pinilit pang painumin ng pampalalglag ang aktres para lang maitago ang nagawang kasalanan.

Kaya lang, bakit kasi ayaw pangalanan ang lalaking nakabuntis kay Andi?

Sumasakay lang kasi sa mga clue, sa mga malalapit na salita tungkol sa aktor na nakabuntis kay Andi ang salarin.

Bakit nga ba, hindi matukoy? Kung si Jake Ejercito o si Albie Casino nga ba ang ama ng future apo ni Mark, bakit nananatiling parang blind item pa rin ito? Para tuloy itong teleserye! (Sinabi niya ang initials nu’ng guy sa interview kapatid – Ed)

But the scenario o ang naganap na buntisan is taking a tool on Albie dahil nagkaluko-loko ang mga dapat sana’y kasikatang kaniyang tinatamo after “Mara Clara.”

Balita naming hangga’t hindi pa malinaw ang lahat, mananatiling naka-freeze ang career ng binatang La Sallites.

Tinanggal na ito sa pelikulang “Growing Up,” (He’s not growing up kasi- Ed) at si Sam Concepcion ang ipinalit sa kanya.

—@@@—

UMAASA pa rin si Governor ER Ejercito na makakapasok sa MMFF 2011 ang entry nitong “Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga.” Nauna na kasing inayawan ng MMFF ang Asiong Salonga iskrip dahil puno raw ito ng patayan at mga bayolenteng eksena. Pero, pumupusta ang aktor-pulitiko, na kung pagandahan lang ng istorya ang pagbabasehan, hindi padadaig ang Asiong Salonga sa ibang entries na napasama.

But ER’s positive na makapapasok sila sa darating na MMFF 2011.

“I heard na may isang (MMFF entry ) na magba-back-out, at ‘pag nagkataon, kami ang papasok.”  nakangiting sambit ng butihing gobernador ng Laguna.

Sa walong entries daw kasi, apat pa lang ang nakakapag-shoot at ang natitirang apat ay hindi pa nakakapagsimula ng trabaho.

“Ang Yesterday, Today and Tomorrow,” “Hototay,” at ang isang Judy Ann entry to the festival ay hindi pa daw nakakapag-shoot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply