Supporters ni Echiverri magdamag na nagbantay

PATULOY ang ginagawang pagbabatay ng mga taga-suporta ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri simula pa noong Martes ng gabi matapos magpalabas ang opisina ng Ombudsman na nagsususpinde ng anim na buwan sa naturang punong lungsod.

Naging parang piyesta ang nagyari sa harapan ng Caloocan City Hall kung saan nagdala ang mga ito ng videoke at namigay din ng pagkain para sa mga nagbabarikada upang di maharang ang pagbibigay ng order sa pagsususpinde kay Echiverri.

Pinasususpinde si Mayor Echiverri dahil sa hindi umano pagbabayad ng City Hall ng halangang P37 milyon na dapat sana ay kontribusyon ng mga empleyado sa Government Service Insurance System.

Naghain naman ang kampo ni Echiverri ng isang motion na kumikuwestiyon sa naturang kautusan ng Ombudsman dahil umano ang naturang problema ay minana lang niya kay dating Mayor Rey Malonzo.

Sinabi naman ni Malonzo na dapat ay hindi na siya magturo sa nakaraang administrasyon dahil walong taon na umano itong naninilbihan bilang mayor sa naturang lungsod.

“Bakit nagtuturo siya ng iba, ang tagal niyang nakaupo?” ayon kay Malonzo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply