Supreme Court sa military: Ilabas si Jonas

INATASAN ng Korte Suprema ang militar na ilabas ang nawawalang aktibistang si Jonas Burgos, na dinukot umano noong 2007.

Sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema, binigyan nito ng bigat ang pag-aaral ng Commission on Human Rights (CHR) na may kinalaman ang militar sa pagkawala ni Burgos .

Partikular na pinangalanan ng CHR ang isang 1st Lt. Harry Baliaga Jr. ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army bilang siyang pangunahing dumukot kay Burgos.

Kasabay nito, muling naglabas ang Supreme Court (SC) ng writ of habeas corpus para kay Burgos at inatasan ang Court of Appeals (CA) na buhayin ang habeas corpus case na una nang isinampa ng pamilya Burgos laban sa militar.

Binigyan ng 30 araw ng Mataas na Hukuman ang CA para makapaglabasng desisyon hinggil sa nasabing kaso.

Bukod kay Baliaga, nais din ng Korte na makasama sa mga iimbestigahan sina Armed Forces chief Lt. Gen. Eduardo Oban Jr., Army commander Maj. Gen. Arturo Ortiz, at mga pinuno ng 56th Infantry Battalion at 7th Infantry Division noong panahonng naganap ang pagdukot kay Burgos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply