Suspek umalma sa aresto, patay

PATAY ang isang lalaki matapos mabaril ng kanyang inalmahang pulis na sisilbihan sana ng warrant of arrest sa Zone 1, Cadiz City, Negros Occidental.

Dakong alas-6:00 kaninang umaga nang isinilbi ni PO3 Eldifonso Leonardo ng Sagay City Police Station ang warrant of arrest laban kay Peter Gulmatico ng Brgy. Para-iso, Sagay City sa kasong robbery.

Habang pinoproseso umano ang paghuli sa kaniya ay lumaban ito at binaril ang pulis gamit ang 12 gauge shot gun at tinamaan sa kamay.

Kaugnay nito, agad na rumesbak si  Leonardo at ang kasama na si PO3 Jonathan Serando.

Dead on the spot ang wanted na si Gulmatico dahil sa maraming tama ng bala ng 9mm service firearms ng dalawang pulis.

Napag-alaman na batay sa record ng pulisya, kilalang notoryus na magnanakaw si Gulmatico at matagal ng pinaghahanap ng pulisya.

Natunton naman na ito at nagtago sa lungsod ng Cadiz.

Samantala, kasalukuyang naka confine si PO3 Leonardo sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod dahil sa sugat sa kamay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply