Suspensyon ng klase sa Metro pinagtibay ng Palasyo

PINAGTIBAY ng Malakanyang ang nauna nang suspension ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila ng Department of Education (DepEd) base sa rekomendasyon ng Department of Science and Technology, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Maging ang tertiary level ay wala na ring pasok matapos na ihayag  ni Executive Secretary Atty. Paquito “Jojo” Ochoa, Jr. ang suspension dahil sa inaasahang pagragasa ng bagyong Juaning  sa kalakhang Maynila sa dakong hapon.

Nauna rito, inahayag ng DepEd na walang pasok sa lahat ng level sa NCR subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring deklarasyon ang Commission on Higher Education (CHED) kung saan ay hinihintay ng mga estudyante at magulang.

Sa ilalim ng  CHED Memorandum Order 19 Series of 2005, awtomatikong suspendido ang klase sa lahat ng colleges at universities kapag ang bagyo ay umabot na sa storm signal number 3.

Nakasaad din sa nasabing kautusan na ang suspension ng klase ay ipinamamahala sa school authorities sakaling ang bagyo ay nasa storm signal number 1 at number 2. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply