Suspensyon ng OIC ng PUP pinalawig pa

NAPAGDESISYUNAN ng Manila Regional Trial Court na tuluyan nang suspindihin ang officer-in-charge ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)  na itinalaga ng Malakanyang upang makaiwas sa kaguluhang maaaring maganap sa nasabing unibersidad.

Pinalawig ni Judge Silvino Pampilo ng Manila RTC Branch 26  ang pinalabas na temporary restraining order (TRO) na humaharang sa pag-upo ni Edicio dela Torre bilang bagong tagapangasiwa ng PUP.

Base sa ipinalabas na kautusan ni Pampilo,  ang unang TRO na may bisa lamang sa loob ng 72 oras ay lalawig ang bisa hanggang 17 araw.

Ang kasalukuyang pangulo ng PUP na si Dr. Dante Guevarra ay pinalitan ng Malakanyang matapos na magpaso na ang kanyang apat-na-taong termino.

Nilinaw ng hukom na layon ng kautusan na maiwasan ang kaguluhan sa loob ng mga campus ng PUP matapos magprotesta ang mga estudyante laban kay Dela Torre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply