Bishop Pueblos nanghingi ng SUV kay GMA – PCSO

INAPRUBAHAN ng tauhan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbibigay ng isang maluhong sasakyan na nagkakahalagang P1.7 milyon kay Butuan Bishop Juan de dios Pueblos, base sa dalawang liham na ipinadala nito noong 2009.

Sa kanilang testimonya, sinabi ni Atty. Francisco Joaquin III, board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na inaprubahan ng dating board ang kahilingan ni Pueblos na mabigyan siya ng bagong sasakyan upang maabot ang malalayong lugar ng kanyang nasasakupan sa CARAGA region.

Eksaktong P1,704,147.90 ang halagang nakalagay sa tseke na ipinalabas ng PCSO noon kay Pueblos upang ipambili ng isang 4X4 sports utility vehicle (SUV), alinsunod sa kahilingan ng obispo kay Arroyo.

Wala umanong kaalam-alam ang obispo na manggagaling ang halaga sa pondo ng PCSO.

Ipinagbabawal sa Saligang Batas ang paggastos ng pamahalaan o paglalaan ng pondo para sa pribadong kapakinabangan.

“Based on Board Resolution No. 736 dated May 21, 2009, the Board confirmed the approval of the request to Bishop Pueblos, for the use of the Diocese of Butuan,” ayon kay Joaquin.

Sinabi pa ni Joaquin na ipinalabas ang tseke na may nakatakdang probisyon na dapat ibili ito ng isang 4X4 na sasakyan at may attachment pa ng purchase order at quotation mula sa distributor ng sasakyan.

“The check was issued for the account (FA) of Butuan diocese on July 2, 2009 for the specific purchase of one unit vehicle for the use of CARAGA signed by the former chairman and general manager of PCSO,” ayonkay Joaquin.

Inaalam naman ngayon ng PCSO kung saan ginagamit at kung saan napunta ang sasakyan na ibinigay kay Pueblos.

Ayon naman kay Ma. Aleta Tolentino, miyembro ng kasalukuyang board ng PCSO, pinagbasehan ng pagpapalabas ng naturang tseke ang dalawang magkakahiwalay na liham na ipinadala ni Pueblos sa Office of the President.

Sinabi ni Tolentino, unang nagpadala ng liham si Pueblos kay Arroyo noong Marso 6, 2009 na ipinadala naman ng Office of the President sa PCSO noong Marso 10, 2009.

Sa unang liham, sinabi ni Pueblos na humihingi siya ng personal na regalo kay Arroyo, ngunit sa pangalawang liham ay idinahilan nito na gagamitin ang sasakyan para sa spiritual at social services sa nasasakupan.

“Nagpalit ng letter dated March 24, “ ayon kay Tolentino. “Bishop Pueblos did not know the funds would come from the PCSO.”

“Apparently, baka hindi tama na hihingi ka ng sasakyan, kaya mayroong pangalawang letter,”  giit naman Sen. Franlin Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply