P6.9M ibinigay ni GMA sa Simbahang Katoliko – PCSO

BUKOD sa natuklasan na kaguluhan sa internal control at kuwestiyonableng kontrata, kinumpirma din ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Margarigta Juico na naglabas ang dating administrasyon ng halagang P6.904 milyon sa limang diocese ng Simbahang Katoliko noong 2009.

Sa kanilang testimonya sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Juico na marami silang natuklasang pagkakamali ng nakaraang administrasyon kabilang ang donasyon na P6.904 milyon sa limang sangay ng Simbahang Katoliko sa buong bansa.

Kabilang sa nabiyayaan ng naturang pondo ay si Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos na nabigyan ng isang luxury car alinsunod sa liham nito kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2009.

“Hinanap namin ang mga dokumento alinsunod doon sa report ng COA kaya we found out five checks were issued to archdioceses and dioceses dahil nalalaman ng lahat na mayroong problema,” ayon kay Juico.

Sa kanilang imbestigasyon, sinabi ni Juico na napatunayan ang naturang pagpapalabas ng pondo nang ilantad ng Accounting Department ng ahensiya na limang tseke na ibinigay sa dioceses ng Butuan,. Zamboanga City, Cotabato City, Caritas at Isabela.

“Sa pagkakaalam namin ng present board, alinsunod sa sinasabi ng COA, questionable (ang paglalabas ng tseke) dahil hindi kami nagdo-donate ng luxury cars, kundi gamot at tulong medikal lamang,” giit ni Juico.

Ayon naman kay PCSO General Manager Jose Ferdinan Rojas II na nabigyan ng bagong kotse si Pueblos alinsunod sa liham nito kay Mrs. Arroyo upang maabot ng Simbahan ang malalayong lugar ng kanyang nasasakupan sa CARAGA Region.

“I am anticipating for your favorable response on my request,” bahagi ng liham ni Pueblos kay dating Pangulong Arroyo ayon kay Rojas. “Bishop Pueblos (personally) requested for a new car from former president in 2009,” giit ni Rojas.

Sinabi pa ni Juico na hindi lamang  ang kuwestiyonableng pagbibigay ng kotse sa isang obispo kundi maging dokumento at kagamitan na nilalamon ng peste sa compound ng PCSO sa Quezon City.

“Upon our appointment, I inspected the premises of the PCSO in the Quezon Institute and we found out stacks of documents being eaten by roaches, air-conditioned barracks of security guards, and air-conditioned cooperative store with three canned goods on the shelf,” aniya.

“There are 200 ambulances which are exposed to elements inside the premises of QI and old container vans containing documents which we believed that there are disarray, structural and immoral flaws on the internal control system of PCSO,” dagdag ni Juico

Natuklasan din ni Juico ang hindi magandang pag-uugali sa hanay ng mga empleyado at opisyal ng PCSO dahil gusto nilang linisin ang ahensiya ngunit may ilang empleyadong nakipagtulungan sa kanila upang maisakatuparan ang paglilinis.

“We also found some PCSO men and women who came out to help up in the inventory but we also found ‘organized effort to resist for change’ inside the PCSO,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply