Sweet na sweet sina Jennylyn, Patrick!

NAPAG-ALAMAN namin kay Patrick Garcia na mismong si Jennylyn Mercado ang nag-insist na gamitin nito ang kanyang apelyedo para sa kanilang anak na si AJ.

Ayon kay Patrick, hindi naman daw siya nagpupumilit kung gagamitin ng kanilang anak ang kanyang apelyido. Pinabayaan niya lang ito.

Napag-usapan kasi nilang dalawa ang tungkol sa magiging apelyido ng bata kasi nga kinakailangan nito sa pagpasok sa school.

Pumapasok na raw kasi si Aj sa isang toddlers school kung saan siya ang tagahatid- sundo sa kanilang anak pag wala siyang taping.

“Nagiging madaldal nga ako ngayon pag kasama ko siya kasi nga kailangan pala ng bata na kausapin mo ito para matuto siyang magsalita. Nag-worry kasi noon si Jenn kasi nga two years na si AJ ay hindi pa ito nagsasalita”, kwento ni Patrick.

“Laking tuwa ko nga nang marinig kung nagsasalita na siya kaya sabi ko, wow! parang heaven! ” sambit pa niya.

Sa ngayon raw nakapukos muna silang dalawa ni Jenn sa kanilang anak, kasi nga first baby nilang dalawa iyon kaya iyon muna ang pinagtuunan nila ng pansin. Alam mo na!!!

***

KUNG dati nabulilyaso ang pag-uwi ng nag-iisang Superstar ng pinilakang tabing na si Miss Nora Aunor mula sa America, ngayon tuloy na tuloy na ito.

Ayon sa balita, darating si La Aunor this coming August 2, Tuesday sakay ng Phil ippines Airlines PR 103, alas-sais ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Para makasigurado ang kanyang pag-uwi sa ating bansa, susunduin siya ni Suzette Ranillo sakay rin ng Philippines Airlines.

Sa pagdating ni Ate Guy, nakahanda na ang susundo sa kanya na pangungunahan ito ni Kuya Germs (German Moreno), Governor of Laguna Jorge “ER” Ejercito na makakasama niya sa pelikulang “El Presidente’ kung saan gaganap ang aktres bilang Maria Agoncillo, ang pangalawang asawa ni Emilio Aguinaldo.

Naghahanda na rin ang TV5 sa pangunguna ni Percy Intalan sa pagdating ng Superstar kung saan full coverage ito mula sa Airport hanggang sa inihanda nilang isang malaki at bonggang presscon para sa pipirmahan niyang contract na isang mini-series sa Kapatid network.

Maraming plano ang TV5 kay Nora kung saan pangunahan niya ang pag-iikot sa malalaking key cities sa ating bansa tulad ng Cebu, Davao, Bacolod para ipakilala niya ng husto ang Kapatid network.

Sinabi naman ni Mr. Boy Palma na siyang tatayong manager ni La Aunor, hindi raw exclusive ang pag-interview kay Nora dahil iikot ito sa tatlong malalaking network para kunan siya for interview.

Alam mo na!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply