Taga-PCSO sa kalamidad

AALISAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng malalarong pondo. Puro serbisyo ang matitira.Tingnan lang natin kung magsisiksikan pa sila riyan.

Ito ang simpleng mensahe ni Inday Miriam sa kanyang opening address sa Senado kahapon.

Kasama sa kanyang binanggit ang kawalan ng paglabag sa Konstitusyon at batas ng mga obispong Katoliko lalo’t natugunan ng mga ito ang layunin ng PCSO sa pamimigay ng mga sasakyan at iba pang ayuda gaya ng pagseserbisyo sa mga mahihirap at nangangailangan.

Sa Agosto, magkakaroon ng pagdinig ang kanyang komite para ayusin ang mga batas sa PCSO…at sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na sinasabing pinuputakti ng mga kawatan at korap sa pamahalaan.

Doon na magsisimula ang panukalang maaalisan ang PCSO at PAGCOR ng mga salapi at pag-aari na gustong angkinin ng mga kawatan at korap.

Hindi masama ang iniisip ni Inday Miriam para wans en por ol ay matigil na ang kalokohan sa ahensiya.

oOo

Oo nga pala, lumikha ng nakahihiyang kalagayan para sa PCSO ang pagdalo ng mga obispo sa pagdinig.

Nang maungkat ang salitang Pajero na wala naman palang katotohanan, at sa huli, aba nagkaroon ng turuan kung saan nanggaling ang salita.

Sa loob ng PCSO, sabi mismo ni Madam Margie kasabay ng pag-aala-Pilato nito, este, paghuhugas nito ng kamay.

Kanino nga ba talaga galing ang salitang Pajero?

Samantala, naiimadyin natin ang mga sinasalanta ng kalamidad, digmaan, sakit at iba pa na sinasabing pinaggagamitan ng sasakyan ng PCSO?

Sila kayang naglilinis-linisan sa PCSO ang isaksak natin sa mga lugar ng digmaan, kalamidad, sakit at iba pang sumpa sa buhay? Tingnan lang natin kung di sila mangangailangan ng ayuda!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply