Tagayan ng Ginebra at Alaska Aces

MAGTATAGAYAN ang Barangay Ginebra at Alaaska Aces sa pagpapatuloy ng PBA Governor’s Cup mamayang gabi. Ito ang huling laro ng Aces sa elimination pace habang ang Gin Kings na nakabuntot sa nangungunang Talk N’ Text (5-2) ay may isa pang natititrang laro.

Sinorpresa noong Biyernes ng gabi ng Powerade Tigers (3-4) ang dating nasa tutktok na Petron Blaze ng itala ang (105-=81) para pansamantalang lumapag sa tersera puwesto sa 5-2 slate.

Si Darnel Hinson na nakatakdang magbalik sa Estados Unidos kasunod ng pinakahuli niyang laro sa lokal na propesyunal na liga sa bansa ay tumapos ng 31 puntos para lisanin ang Liyamados na nakapasok na semifinals. Kasama sa mga na eliminate na Meralco Bolts, Powerade at ang sobrang inalat na Air21 Express.

Sa main game, nginatngat ng Powerrade Tigers ang Petron Blaze Boosters 105-81 tungo sa pangatlo nilang panalo. Ang Alaska Aces ni coach Tim Cone ay magsisikap na maka-ahon sa 4-3 win-loss record sa pagsabak laban sa crowd darlings Gin Kings na ipaparada ang bagong import na si Donald Slowan na humalili kay Kurtis na hindi nakapaglaro sa huling dalawang games na ipinanalo ng tropa ni coach Jong Uichico.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply