Tagumpay ng Aquino govt nakasalalay sa Ombudsman

NAKASALALAY umano ang tagumpay at kabiguan ng pamahalaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa bagong talagang si Ombudsman Conchita Carpio-Morales, partikular sa programa nitong pagsawata at pagsugpo ng katiwalian o corruption sa burukrasya.

Paliwanag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, lahat umano ng usapin kaugnay sa kawalan ng political will ng pamahalaan para parusahan at makulong ay nasa kamay na ng bagong talagang Ombudsman.

Ayon pa sa senador, matinding trabaho ang naghihintay kay Morales, lalo na ang panliligaw sa suporta ng mga tao.

“I hope that she will have the funds, the power and the opportunity to resolve the cases. I hope everyone will give her the support that she needs,” ani Cayetano.

Aniya pa, dapat umanong bigyan ng pansin ng Ombudsman ang mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal at kailangang tiyakin na hindi mababalewala ang mga kaso ng mga ito sa darating na panahon dahil lamang sa kakulangan ng ebidensiya.

“We will also see if those who should be charged will be charged,” ani Cayetano.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply