Takot palayasin ng Top Rank: Gesta nagpabagsak ng kalaban

NAGPAMALAS ng galing sa ibabaw ng ring ang Filipino unbeaten lightweight na si Mercito Gesta (22-0-1, 11 KO’s), sa kanyang debut fight sa ilalim ng Top Rank Promotion.

Sa loob ng tatlong rounds, tatlong beses din na pinabagsak ni Gesta ang kalabang Mehikano na si Jorge Pimentel.

Sa Round 3, isang solid right uppercut ng tubong Mandaue City, Cebu ang nagpabagsak sa kalaban dahilan para tuluyan ng itigil ni referee Raul Caiz ang laban sa oras na 2:23.

Ang Gesta-Pimentel fight ay kabilang sa undercard sa pagtutuos nina undefeated WBA lightweight champion Brandon “Bam Bam” Rios at top-rated contender Urbano Antillon sa The Home Depot Center sa Carson, California.

Noong Pebrero, tinapos ni Gesta sa loob lamang ng tatlong round si Genaro Trazancos ng Mexico sa kanilang 8-round welterweight rematch sa Longshoreman Hall, San Francisco, California.

Matatandaan na binigyan ng ultimatum ng Top Rank si Gesta na kailangang maipanalo niya ang laban para mabigyan pa siya ng career ni Bob Arum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply