Takot sa warrant of arrest kelot nagbigti

SA labis na pag-aalala ng isang lalaki sa inilabas na warrant of arrest laban sa kanya ay nagpasya itong tapusin na ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang kwarto sa Madia-as St. Barangay Villamonte sa Bacolod.

Nakilala ang nagpakamatay na si Mario Bayna, 41, idineklarang patay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO2 Ronald Villeran, Station 4 case investigator, natagpuan ang biktima ng kanyang anak na babae na si Sharmaine na nakabitin sa loob ng kwarto nito, dakong 9 ng umaga na may nakapulupot na kawad ng kuryente sa kanyang leeg.

Nakita ni Sharmaine ang ama dakong 8 ng umaga na may ipinatong na papel sa ibabaw ng washing machine na pinaniniwalaang suicide note, subalit kinuha umano ulit ito ng biktima nang mapansing nakita siya ng anak saka pumanhik sa kanyang kwarto.

Napansin na umano ng asawa ng biktima na si Ma.Cecilia , na kakaiba ang ikinikilos ng kanyang asawa ilang araw na bago ang pagpapakamatay nito.

Hinihinalang may kinalaman ang pagpapakamatay ng biktima sa nakatakdang “warrant of arrest” na ilalabas laban sa kanya sa hindi nabatid na kaso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply