Tambak na vices hindi masugpo dahil sa tongpats

IPINAGMAMAYABANG ni  MPD-PS3  Station Commander Supt. James Afalla na tablado ang lahat ng iligal na pasugalan at iba pang bisyo gaya ng  illegal vending sa kanyang nasasakupang presinto.

Pero huwag ka, patuloy pa ring nakakalat sa mga kalsada sa kahabaan ng Escolta, Palanca, Blumentritt, Plaza Miranda, Rizal Avenue at iba pang lugar na sakop ng PS3 ang mga illegal vendor.

Maging ang  mga iligal na pasugalan gaya ng bookies ng karera at iba pa ay talamak din sa presintong nasasakupan ni Afalla.

Hindi rin nawawala ang mga night club na garapalang  nagpapalabas ng bold shows sa day and nights na operation ng mga ito.

Hindi pa kasama ang mga gumagalang pokpok o putatsing na nag-aalok ng panandaliang aliw sa kahabaan ng Rizal Avenue, C.M Recto, Isetan at sa iba pang mga sakop ng Presinto 3.

Patuloy rin ang operation ng pagpapagawa ng iba’t ibang pekeng dokumento gaya ng mga diploma sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue.

Ang tagal nang naging station commander  ng Presinto 3 ni Supt. Afalla ay hindi man lamang niya nasugpo ang vices na ito sa sakop niyang Presinto.

Kumikilos lamang ang naturang commander kung mahigpit ang utos mula sa itaas pero pag medyo malamig na ay ‘rumaratsada’ uli ang mga iligalista sa nasasakupan ng PS3.

Palibhasa malaki ang ‘tongpats’ ng Presinto 3 mula sa mga bisyo na pinatatakbo ng mga iligalista.

ILLEGAL LOGGING, PATULOY SA REGION 2

Hindi pa rin daw tumitigil sa pag-ooperate at pagpoprotekta sa illegal logging itong si SPO1 Venturina ng R2 ng Region 2.

Si SPO1 Venturina ang umano’y isa sa mga nagpapasimuno sa pagpopoprotekta sa illegal logging sa R-2 kaya hindi mapatigil ito.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply