Tatay, 6-anyos anak patay sa bundol sa Dagupan

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang contruction worker at anim-anyos niyang anak matapos silang masagasaan sa Dagupan, sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lubhang napinsala at nabugbog ang katawan ng mga biktima na sina Agusto Compa, 55, construction worker at anak na si Prince Michael Compa, kapwa ng Bagong Silang, Caloocan City sa Metro Manila.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, tumatawid ang mag-ama sa kalsada pagkababa ng bus sa Brgy.

Carangalaan sa Dagupan nang mahagip ng rumaragasang sasakyan na minamaneho ni Eric Bravo, 38, sales agent, ng Brgy. San Vicente, Calasiao, Pangasinan.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na inagaw ng sasakyan ng suspek ang kabilang linya kung saan naroon ang dalawa kaya sila nasalpok.

Isinugod pa sa ospital ang dalawa, subalit namatay din habang ginagamot ng mga doktor dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply