Tatay kinatay ng bunsong anak sa Cagayan

PATAY sa saksak ang isang ama matapos katayin ng kanyang sariling anak sa Cagayan sa ulat ng pulisya nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas 4:00 ng hapon nang maganap ang malagim na kaso sa Baggao, Cagayan na kinasasangkutan ng menor de edad at sarili nitong Ama.

Kinilala ng Cagayan PNP ang biktima na si Rodolfo Macasaddo, 47, habang ang biktima ay 16-anyos lamang.

Sa inisyal na pagsisiyasat ani Bueno, lumalabas na nagkita ang dalawa sa Brgy. San Jose, Baggao nang bisitahin ng nakababatang Macasaddo ang kanyang lolo doon.

Dito nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ama hanggang sa saksakin ng suspek ang likuran ng ama.

Nabatid na matagal nang may sama ng loob ang suspek sa kanyang tatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply