Tax evasion vs Ligots pinasasampa na sa korte

PINASASAMPAHAN na ng tax evasion case sa korte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Jacinto Ligot at asawang si Erlinda ng Department of Justice (DOJ).

Sa resolusyon ni DOJ Assistant State Prosecutor Stewart Allan Mariano, na pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, nakitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mag-asawang Ligot.

Partikular na ipinasusulong ng DOJ sa korte ang paghahain ng kasong paglabag sa Section 254 at Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa pagtatangka na umiwas sa pagbabayad ng buwis at kabiguan na maghain ng income tax return at magbigay ng tamang impormasyon kaugnay ng kanilang kita.

Sa reklamo ng BIR, aabot umano sa mahigit P428 milyon ang utang sa buwis ng mag-asawang Ligot.

Nabigo rin umano si Jacinto Ligot na magsumite ng kanyang income tax return (ITR) para sa taong 2001 habang si Erlinda naman ay hindi nakapaghain ng ITR mula taong 2001 hanggang 2004.

Naging sentro ng kontrobersiya ang mag-asawang Ligot bunsod ng pumutok na usapin ng korapsyon sa militar na inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply