Teacher lamog sa sariling magulang, kapatid

BUKOL-BUKOL ang mukha ng 23-anyos na guro matapos pagtulungang bugbugin ng sariling magulang at kapatid nang magpaalam ang una sa kanyang magulang na makikipag-live in na sa German national niyang boyfriend sa Caloocan City.

Sariwa  pa ang mga sugat at pasa sa katawan at mukha nang tumungo sa tanggapan ng Caloocan police ang biktimang si Precious Naturales Calamaya, dalaga ng Block 6, Lot 26, Emerald St., Celina Homes, Camarin, Caloocan City, para pormal na magreklamo laban sa kanyang mga magulang at kapatid.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong physical injuries ay sina Lea, nanay ng biktima, Alexis, 47, tatay, at Jasser, 24, kapatid, pawang ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Naturales sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa biktima, mahinahon siyang nagpaalam sa kanyang ina na makikipag-live in na sa kanyang boyfriend na German national at iwan na ang kanyang Canadian citizen na boyfriend.

Sa halip na makarinig ng payo mula sa kanyang ina ay pinagtatalakan siya, sinabunutan at pinagsasapak na tumulong pa sa pananakit ang kanyang tatay at kuya.

“Gusto po kasi nila (mga suspek) yung Canadian citizen, ayaw po nila yung German kasi daw po matanda na sa edad na 60m” ani pa ni Precious.

Dahil dito ay pormal na nagtungo ang biktima sa nasabing himpilan ng pulisya para ireklamo ang mga magulang at kapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply