Teddy Corpuz ng Rocksteddy, sugatan sa aksidente sa QC

SUGATAN ang mahusay na bokalista ng grupong Rocksteady na si Teddy Corpuz matapos na mabangga ang sinasakyang nila ng kanyang misis sa Quezon City.

Si Teddy ay nagtamo ng gasgas sa tuhod at nabugbog ang noo nang humampas ang mukha sa windshield.

Ayon pa kay Teddy, kabilang din sa noontime talent program ng ABS-CBN na “Showtime,” bukas siya sa pakikipag-areglo sa lalaking nakabangga sa kanilang sasakyan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, patungo sana sa party ang nasabing vocalist-host kasama ang kanyang misis nang maganap ang aksidente kung saan nagpaikot-ikot ang sasakyan nila dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Ang misis naman ni Teddy ay pinapayuhan na magpasuri upang makatiyak na ligtas ang dinadalang sanggol sa sinapupunan.

Nakonsensya naman at sumuko rin sa awtoridad ang nakabangga kina Teddy na si Diosdado Sanchez na balak sanang tumakas dahil sa takot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply