Teenager na dinukot sa Basilan, pinalaya na

PINALAYA na ng mga kidnaper ang isang teenager na binihag noong Mayo sa Barangay Lumuton, Lamitan City, Basilan.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Director for Integrated Police Operations for Western Mindanao Felicisimo Khu, pinalaya si Nico Sebastian sa boundary ng Barangay Canas at Semut sa bayan ng Tuburan, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Lamitan City Police Chief Edwin Placio, nasampahan na nila ng kaso sina Nadzmir Abubakar, alyas Marvin at Arasad Jion, sinasabing kumander ng MILF at itinuturong responsable sa kidnapping.

Ayon kay Placio, una nang inimbitahan ni Abubakar ang kababatang si Sebastian para maglaro ng bilyar noong Mayo 19 subalit dinala ito kay Jion.

Hindi naman malinaw kung nagbayad ang pamilya ng P2.5 million na hinihinging ransom ng mga kidnapper.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply