Teknolohiya vs fishkill pauunlarin ng Senado

INIHAYAG ng Congressional Commission on Science Technology and Engineering (Comste) na pauunlarin pa ang bagong teknolohiya na magagamit upang maiwasan ang fishkill tulad ng sumalanta sa maraming palaisdaan sa bansa noong nakaraang buwan.

Ayon kay Sen. Edgardo Angara, inilahok ng Pilipinas ang lokal na pinaunlad na farm-to-market ecosystem para sa aquaculture sa 5th Asia Pacific Telecommunication and ICT Development Forum sa Macau, China bilang bahagi ng pagpapaunlad ng teknolohiya.

“Isang pinakamahusay na venue ang forum para sa Pilipinas na maibahagi ang pagtataguyod ng mahusay na pamamaraan sa aquaculture, kabilang ang bagong teknolohiya na makapagpapatingkad sa solusyon sa fishkill,” ayon kay Angara.

Kumikilos ang Comste sa tulong ng Ateneo Innovation Center (AIC), Japan at Thailand sa isang proyekto na may layuning tulungan ang mangingisda na maiwasang malugi sanhi ng fishkill at magkasabay na makalikha ng farm-to-market ecosystem na siyang magtataguyod sa umiiral na teknolohiya.

Pinondohan ng Asia-Pacific Telecommunity (APT) ang APT-SHARE project upang malikha ng broadband farm-to-market ecosystem para sa pangisdaan.

Unang isinagawa ang pilot project sa Lake Palakpakin sa San Pablo, Laguna.

“Layunin ng proyekto na makalikha ng sustainable lake-based aquaculture environment na mahalaga para sa adhikain ng bansa na tumatag ang suplay ng pagkain mula sa pangisdaan,” ayon kay Angara.

Sinabi ni Angara na nagpakita ang AIC ng ilang makabagong teknolohiya na siyang tutugon sa kritikal na problema ng mangingisda tulad ng pagkakaroon ng fishkill ng ilang ulit kada taon.

“Engineering and environmental science researchers designed a floating field sever than can roam around the lake and measure water clarity, dissolved oxygen, temperature versus depth, and even take underwater videos of fish movement. All the measured parameters are fed over a wireless sensor network to a data center in the community,” paliwanag ni Angara.

Sa ganitong pamamaraan, maaaring ma-monitor ng mangingisda ang kalusugan ng sistema sa lawa. Ginagamit din ng mga fishing community ang aquaculture, agrikultura at ecotourism bilang mahusay na kabuhayan para sa kinabukasan.  Natuklasan din ng mangingisda na makabuluhan ang underwater camera dahil natitiyak niyang nasa loob ng fish nets ang kanilang mga alagang isda.

Ipatutupad din ng proyekto ang remote sensing techniques kabilang ang cloud computing at data mula sa unmanned aerial vehicles (UAVs) upang makalikha ng decision support system at sustainability mapping.

“Fish feeding technologies will also be explored, like the utilization of market waste to produce fish feed. All data will eventually be accessible from cloud technology directly to smart phones, enabling fisherfolk to manage and maintain the aquaculture network,” patapos ni Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply