Teri Onor utangera pa rin!

TERI Onor is at it again. O sadyang di nadadala ang mga nagpapautang sa kanya gayung alam nilang tadtad na ng utang ang Bataan board member na ito, di pa rin sila nadadala sa kanya.

Ilang court cases na ba’ng naisampa kay Teri simula nang maungkat ang marami niyang utang? Hanggang sa maglaho na lang siya sa showbiz na nagpirmi sa kanilang bayan sa Bataan, hinahabol talaga siya.

Heto ka, isang nagngangalang Lito ang naghahanap sa kanya na matapos nga raw itong makakuha ng halaga ng relo at alahas amounting to P182, 000, hindi na ito nagpakita sa kanya. Ni hindi raw ito sumasagot sa mga meesage at tawag sa kanyang cell-phone. Yung mga tseke niyang ini-issue sa tao ay nagsipagtalbugang lahat, yung iba walang pondo, yung iba naman closed account daw. Nakikiusap daw yung Lito na sana harapin ni Teri yung mga inutangan niya para naman malinis ang kanyang pangalan.

O baka naman sadyang nasanay na sa ganitong klaseng buhay si Teri, di na siya nahihiya kahit na nasusulat pa siya. Kumbaga, nagkaroon na ng lakas ng loob na magpakita sa publiko kahit na nililibak siya ng mga taong pinagkakautangan niya.

***

IT’S confirmed! Tuloy na tuloy na, finallly. Darating na nga ang pinakahihintay ng lahat na si Superstar Nora Aunor.

She’ll be arriving on Tuesday, August 2, via PAL flight PR-103, ganap na alas-sais ng umaga.

Mula rito, lilipad si Suzette Ranillo sa U.S. para sunduin si Ate Guy para masiguro na talagang walang aberyang mangyayari.

Sabay silang darating sa ’Pinas at susunduin naman sila nina Kuya Germs, Laguna Governor EJ Ejercito at ang TV5 executive na si Percy Intalan.

Last Tuesday night, sama-samang nag-meeting ang lahat ng mga kinatawan na direktang makakatrabaho ang Superstar para pag-usapan at ayusin ang schedule ni La Aunor during her stay sa ’Pinas.

Balitang magpapatawag agad ng presscon ang TV5 pagdating niya on the said date.

Para maging maayos ang lahat ng schedule ng Superstar sa pamamalagi niya sa bansa, nakipag-usap at nakipag-coordinate na rin si Gov. ER kasama naman ang kanyang partner sa production for Scenema Concepts na si Mylene Enriquez at supervising producer na si Elaine Lozano.

Nasa nasabing meeting din si Kuya Germs, ang publicist for “El Presidente” na si Jobert Sucaldito, ang business manager ng superstar na si Boy Palma, ang tumatayong manager ni Guy na siya ngang nag-aayos din ng lahat ng kanyang schedule na si Suzette Ranillo at ang showbiz columnist na si Pilar Mateo na malapit din sa superstar.

Sa Aug. 8 na raw magsisimulang mag-shooting si Guy para sa El Presidente with Gov. ER sa direksyon ni Tikoy Aguiluz.

Gagampanan nito ang role na Maria Agoncillo, second wife ni Pres. Emilio Aguinaldo.

***

TJ Marquez bida na!

PANIBAGONG break na naman ang darating sa showbiz career ng Television’s Newest Teen Heartthrob at Kapuso Teen Star na si Teejay Marquez matapos siyang mapili bilang isa sa mga bida ng ‘Time of my Life’ – isang dance-serye na ipalalabas na sa Lunes sa oras ng Primetime. Lunes hanggang Biyernes, na kung saan makakasama ni Teejay ang bida na sila Mark Herras at Kris Bernal, kasama sila Roco Nacino at LJ Perez.

“Very thankful po ako sa mga network executives dahil isa po sa napili na maging bahagi sa dance-serye na ito na kauna-unahan sa kasaysayan ng primetime television sa ating bansa” masayang payahag ni Teejay sa aming panayam sa kanya. Gaganap si Teejay bilang si Chicho, isa sa mga striving dancer na nangangarap sumikat at makaahon sa kahirapan. Iikot ang istorya sa dalawang grupo ng mga dancer kung ano ang mga hirap na kanilang pagdadaanan at mga challenges hanggang makamit nila ang kanilang mga pangarap at magtagumpay.

Tinanong namin siya kung hindi ba siya nagugulat sa mabilis na pag-angat ng career niya sa showbiz at sa binibigay na tiwala ng GMA7?

“God is Good, all the time po. I guess nakita naman nila ang aking pagpupursigi at marahil happy ang mga big boss sa aking performance. Sobrang blessings po ito sa akin. Tanggap lang ng tanggap kung ano pong opportunity binibigay sa akin. Thankful din ako kay Kuya Germs na siyang unang nagtiwala sa akin at nagtuloy-tuloy na ang lahat ng projects. Utang na loob ko sa kanya ito. Sa wakas mapapanood na rin ako gabi-gabi. Matagal ko nang pinagpa-pray ito” mapagkumbabang bulalas ng gwapong teen actor.

Sa ngayon ay busing-busy si Teejay sa kanyang mga taping at dance rehearsals. May oras pa kaya siya sa kanyang sarili dahil maliban sa ‘Time of My Life’ ay lagari din siya sa top-rating teen show  na “Tween Hearts” na isa rin siya sa mga bida dito bilang si Nathan.

Si Teejay Marquez ay isa rin sa regular teen co-host ni Kuya Germs sa “Master Showman, Walang Tulugan.” Lumalabas rin siya regularly sa “Party Pilipinas” kasama ang Teen Stars sa Tween Hearts. Kamakailan ay lumabas din siya sa Dramarama sa Hapon na “Blusang Itim.”

“Time management lang po ‘yan. Kaya naman po. Hindi na po ako naglalalabas ngayon. Itinutulog ko na lang para makapagpahinga” dagdag pa ni Teejay.

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na rin ni Teejay ang kanyang birthday benefit concert na gaganapin sa October 2 sa Area 05 Concert Hall sa Tomas Morato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply