Tessa Prieto sosyal na heredera pero nagpapakabaduy sa pelikula

SA Thanksgiving ng tagumpay sa takilya na “Temptation Island” ay hindi nakarating sina Heart Evangelista at Marian Rivera kaya dismayado tuloy ang mga press.

Sabi ay hindi pa dumarating si Heart from Paris with Daniel Matsunaga at si Marian naman ay busy raw sa taping ng “Amaya.”

Anyway, dumating naman sina John Lapuz, Lovi Poe at Tessa Prieto na agaw-pansin ang kasuotan na lagi naman nitong ginagawa.

Nagpasalamat ang cast at producer ng movie sa mga taong tumangkilik sa Joey Gosiengfiao movie 30 years ago na ini-remake ng Regal Film at GMA Films na idinirek ni Chris Martinez.

Marami ang nanghihinayang na tinanggihan ni Heart ang role na dapat sa kanya na napunta tuloy kay Lovi Poe.

Kung pumayag raw sana si Heart sa role at hindi nakipagpalit kay Lovi sa naturang pelikula, siguradong talk of the town siya sana at siguradong mas lalong darami ang mag-iilusyon sa kanya.

Anyway, ang galing-galing ni Lovi sa movie at super sexy na halos bumakat na ang kanyang pagka-babae sa suot na one piece habang naliligo sa swimming pool.

Ask naman ng press si Ms. Tessa Prieto what made her decide to do the movie na mga sexy actress ang mga kasama.

“I like na story. Nice to work sa kanila na tulad ko ring sexy, ha! ha! ha! No, seriously, maganda ang movie at gusto ko talaga ang role,” pahayag ni Tessa.

Ask naman kung how far can she go sexy (if ever na may offer na sexy role)?

“Ha! Ha! Ha!, Ask my father, baka….,” say ni Tessa.

Kung tutuusin ay hindi na kailangang mag-artista pa ni Tessa dahil mayaman naman sila at hindi nila problema ang pera.

Ang pamilya lang naman nila ang may-ari ng Philippine Daily Inquirer at may iba’t iba pa silang negosyo.

May nagbulong sa aming gusto lang daw libangin ni Tessa ang sarili para makalimutan ang dinanas na trahedya ng kapatid sa car accident.

Tessa told our source na kaysa mapagtuunan daw niya ang droga ay tumanggap na lang ng pagkakaabalahan para maging busy.

***

NAKATSIKAHAN namin ang tatlong Bagets na sina AJ Muhlach, Josh Padilla at Aki Torio sa Viva office kamakalawa.

Nagulat kami sa naikuwento ni AJ na muntik na siyang ma-rape ng limang bakla sa Cubao.

Ayon kay AJ, naglalakad siya sa Cubao dahil malapit lang doon ang kanilang bahay nang may lalaking nasa likod at sunud nang sunod sa kanya.

Sinabi raw sa kanya ng maskuladong lalaki na “P2,000” na hindi niya pinansin dahil hindi nga raw niya alam kung ano yun.

Nagpatuloy daw si AJ na maglakad hanggang mapansin niyang sinusundan pa rin siya ng “maskuladong” lalaki na hindi raw niya akalain na isang bading pero this time ay lima na raw ang mga ito kaya sa takot ay nagtatakbo na siya.

Hinabol raw siya ng limang “fake na barakong lalaki” hanggang sa kahabaan ng Aurora Blvd.

Buti na lang daw marami siyang alam na daan pasikot-sikot sa Cubao hanggang sa makarating siya ng kanilang bahay.

Sa kanilang bahay lang daw niya napagtanto na mga bakla ang humahabol sa kanya. Kung naabutan siya ng limang “fake na barakong lalaki” ay siguradong na-gang rape na ang utol ni Aga Muhlach sa ama na si AJ Muhlach.

Samantala, itinangging muli ni AJ na nag-iyakan silang Bagets nang tanggalin sila sa “Party Pilipinas.”

Wala raw iyakang nangyari. Nanghinayang lang daw sila dahil nawala na sila sa show.

Isinama naman ang grupo nilang Bagets sa show ng TV5 at may project na siya rito sa isang TV series na malapit nang simulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply