Testigo dapat proteksyunan ng administrasyong Aquino

IGINIIT ni Senador Gringo Honasan na dapat na mabigyan ng proteksyon ng gobyerno ang mga lumalabas na testigo sa sinasabing katiwalian ng administrasyong Arroyo partikular ang mga witness sa dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Ito ay matapos na isa-isang lumalantad at nagsasalita ang mga may nalalaman sa nangyaring pagmanipula sa resulta ng eleksyon lalo na noong 2004 presidential elections.

Ayon kay Honasan, kung ang mga dating opisyal at miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ay nagsasalita na ngayon, makabubuting lumantad na rin ang mga  military na sinasabing nagamit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa election fraud.

Pero mahalaga aniyang masiguro na di mapapahamak ang mga ito upang sa gayon ay hindi naman matakot at mawalan ng interes na lumantad ang iba pang testigo sa nangyaring dayaan at iba pang uri ng katiwalian sa illalim ng nakalipas na administrasyon.

Giit ng senador bagama’t hindi pa naipapasa ang panukalang whistleblower act, maaari naman may gawin ang gobyerno para maprotektahan ang mga lumalantad na testigo.

Naniniwala si Honasan na kapag napalabas ang katotohanan sa dayaan noong 2004 elections may mga dati at kasalukuyang military officials ang maaring madamay ngunit wala anyang magagawa kung hindi papanagutin ang mga ito sakaling mapatunayang sangkot o nagpagamit sila sa dayaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply