Texters nakabuwelta sa Dubai Games

NAKABAWI sa pagkatalo laban sa B-Meg Derby Ace 105-111 ang Tropang Texters sa pagpapabagsak sa Ginebra San Miguel, 123-113 sa ikalawang araw ng out-of-the country games sa Al Shabab Sports Club sa Dubai, Biyernes ng gabi.

Isang 30-8 na pasabog sa 3 triples ni Jimmy Alapag at 19 puntos ni Maurice Baker ang pumilay sa Gin Kings sa first half. Tumapos si Alapag ng 20 habang nag-top score si Baker sa kanyang 23 puntos.

Sa panig ng Gin Kings, sila ay bumagsak sa 4th position ng 10-team standing kapantay ang Meralco Bolts, Petron Blaze at Alaska Aces.

Si Curtis Hinson ay kumana ng 30 points, humablot ng 8 rebounds at nakapagpasa ng 7 assists habang si Mark Caguioa ay nagdagdag ng 26 points, 6 rebounds at 3 assists.

Magbabalik sa Araneta Coliseum linggo ng gabi ang PBA Governors Cup sa labanang Alaska Aces vs Petron Blaze na kapwa tangan ang 2-2 win-loss-slate at ang bakbakan ng Rain Or Shine Elasto Painters (3-1) kontra Powerade Tigers (1-3).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply