TextTeach mas pinalawak pa ng DepEd

PINALAWAK pa ng Department of Education (DepEd) ang programang Innovative mobile teaching program na TextTeach kung saan target ang dagdag na 850 public  school sa buong bansa.

Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, gamit ang mobile technology ay maituturo na ang subject na Science, Math, English kung saan ay na naging epektibo sa pagtaas ng performance ng mga mag-aaral sa grade 5 at 6 at nabawasan din ang drop out rates.

Sa idinaos na Memorandum of Agreement (MoA) signing para sa  Phase 4 ng programa na pinangunahan ni Education Undersecretary Yolanda Quijano, Ayala Foundation Co-Vice Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, Nokia Director for Community Involvement Gregory Elphinston,  at Globe President and CEO Ernest Cu.

Ang fourth phase ay ipinatupad na noong unang araw ng July at inaasahang hindi lamang sa Luzon kung hindi aabot na sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa pagtatapos ng phase 3 sa buwan ng Agosto ay aabot na sa 555 na schools ang nakinabang 40,000 na estudyante at 1,800 na school heads, teachers at DepEd officials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply