The spirit is willing but the flesh is weak

ANG tukso, kung humataw, ay gayun na lamang.

Harangan mo man ng sibat ang natutukso, natutukso pa rin.

Ito ang masakit na kalagayan ng isang mambabatas sa Kongreso.

Para maapula ang kanyang lagnat sa oras ng tukso, humanap siya ng katapat nito. Isang sikat sa pinilakang tabing ang kanyang iniharap sa dambana.

At nagbunga nang nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Habang lumilipas ang panahon, tumulad din sa kanya ang ilan niyang naging anak.

Dahil pulitiko siyang naturingan, naging pulitiko rin ang isa niyang anak sa malaking siyudad sa Metro Manila.

Ngunit hindi siya nakayang tularan o higitan sa galing sa pulitika.

Kung ang akala ninyo ay natapos na ang kasaysayan ni sikat na pulitiko sa paglagay niya nang sarili sa tahimik, nagkakamali kayo.

Sa nahagip ng matang  kuwago ng Remate, ang tukso ay higit na makapangyarihan kaysa sa pag-ibig.

Kaya nga laging lumalayas si pulitiko sa Pilipinas upang do-on sa ibang bansa maglabas ng matinding sakit nito sa puson.

At alam ba ninyo ang pinaggagawa ni Senador sa ibang bansa? Doon niya feel na feel ang pagiging malaya.

Sobra ang saya niya sa mga kasayahan sa kalsada na ginagawa ng mga nagsusuot ng iba’t ibang kulay ng buhok at kasuotan.

Free country ang Amerika at dito  niya  tunay  na  nararamdaman ang kalayaan.

Pero kung sumasama siya sa mga pagsasaya, todo make up siya con maskara para hindi siya makilala ng sinomang miyembro ng Filipino community na nakakikilala sa kanya.

Apir! Ahahay! Halika, Papa! Todo kendeng, todo sigaw si sikat na pulitiko.

Wala siyang keber sa naiiwan niyang misis sa Pilipinas lalo’t malaon na ring nahahalata ng huli ang misteryo ng buhay ng kanyang mahal.

Clue: matapang na pulitiko ang ating bida at ipinakikita nitong nasa matuwid siyang daan pero bulok naman ang tinatahak niyang daan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply