Tigers sinagpang ang Bulldogs sa OT

DUMAAN sa butas ng karayom ang University of Santo Tomas, (UST) Growling Tigers sa pagsugpo sa National University, (NU) Bulldogs, 73-72 sa isang overtime sa season 74 ng UAAP seniors basketball division na ginanap sa makasaysayang “The Big Dome” sa Cubao, Quezon City ngayong hapon.

Kinailangan ng isang extra period upang maibaon ng Tigers ang kanilang pangil sa bumabangis na Bulldogs.
Tumikada si point guard Jeric Fortuna ng 23 puntos, anim na rebounds at dalawang assists upang isalo ang UST sa three time defending champions Ateneo Blue Eagles at last year’s runner up Far Eastern University Tamaraws sa tuktok ng team standings na may 1-0 win-loss slate.
Angat ng isang puntos ang Bulldogs, 72-71 may 1:19 na minuto pa ang nalalabi sa overtime ng biglang kumawala si Fortuna sa mahigpit na depensa ni Bobby Ray Parks ng NU upang isalpak ang huling puntos ng Tigers, 40 segundo na lang ang natitira bago ang final buzzer.
“Sabi ko kay Jeric (Fortuna) basta may pagkakataon sige lang kasi malaki tiwala ko sa kanya, versitile player kasi siya puwede sa depensa at opensa.” masayang saad ni Tigers head coach Pido Jarencio.
Naamoy na ng Bulldogs ang panalo bago ang overtime period dahil lamang sila ng tatlong puntos sa last 1:28 minute sa fourth canto subalit naghiyawan ang mga USA fans ng ipasok ni Fortuna ang three pointer nito para sa 65 all.
“Magaling talaga si Jeric (Fortuna) pinilit ko talaga siyang makuha dati, para sa akin isa siya sa magagaling na point guard sa season na ito.” wika ni former PBA star Jarencio.
Nakatakda namang harapin sa susunod na laban ng UST ang University of the East, (UE) Red Warriors sa darating na linggo kung saan ay habang isinusulat ang istoryang ito ay kasalukuyang nakikipagbanggaan ng katawan ang huli kontra University of the Philippines, (UP) Maroons.
“Basta kami one game at a time lang.” pagtatapos ni Jarencio. 
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply