Tiyahin kritikal sa hindi binigyan ng almusal

KRITIKAL ang ang isang tiyahin matapos pagsasaksakin ng kanyang pamangkin na hindi niya nabigyan ng pang-almusal sa Navotas, kaninang umaga.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rowena Bautista, ng Los Martirez st., San Jose, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang pamangkin ng biktima na si Rafael Malaca, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong 9 ng umaga, nanghihingi ng pang-almusal ang suspek subalit hindi nabigyan ng biktima na ikinagalit ni Malaca.

Upang hindi na humaba ang usapan ay lumabas ng bahay ang biktima at umupo sa kalapit na tindahan subalit sinundan ito ng suspek at pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply