Toll hike apektado ang pangunahing bilihin

POSIBLENG maapektuhan ang presyo ng pangunahing bilihin at pamasahe dahil sa ipatutupad na 12% value-added tax (VAT) sa tollways.

Bagama’t una nang iginiit ni Sen. Bong Revilla na malaki ang magiging epekto nito sa gastusin ng mga kababayan lalo na sa presyo ng mga pangunahing bilihin, magsisimula na umano ang implementasyon nito sa unang linggo ng Setyembre.

Kasabay nito, nakatakdang pulungin ni Commissioner Kim Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga opisyal ng Toll Regulatory Board at operators hinggil sa tamang pag-remit ng VAT collection sa gobyerno.

Ayon kay Henares, maari pa namang bumaba ang kabuuang 12% VAT na papasanin ng mga motorista at maaring mga operators na ang sumagot dito.

Sakop ng VAT sa toll ways ang North Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac Expressway, South Luzon Expressway, Metro Manila Skyway, Manila-Cavite Coastal Road at ang Southern Tagalog Arterial Road. 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply