Tongpats ng kongresista, PNP sa STL kinapon ng PCSO

TULUYAN nang itinigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kinukupit  na tongpats ng ilang kongresista at mga opisyal ng kapulisan mula sa kinikita ng ahensya sa small-town lottery (STL).

Iniulat nitong Martes ni PCSO general manager Ferdinand Rojas II sa Senate Blue Ribbon Committee na inatasan din ng ahensya ang mga kongresista nakakuha ng halaga mula sa kinita ng STL na magsumite ng mga kaukulang financial report.

“We stop remitting to congressmen, and asked them to give us their individual financial report until the end to the month,” ayon kay Rojas.

Kinumpirma din nito sa Senado na itinigil din ng PCSO ang paghahatid ng bahagi ng kita sa Philippine National Police (PNP) mula sa national headquarters hanggang sa pinakamaliit na istasyon ng pulisya sa munisipyo.

“Simula pa noong Agosto 2010, itinigil na po ng PCSO ang pagbibigay ng remittance sa PNP,” ayon kay Rojas.

Sa kanyang testimonya, inamin ni PNP chief Director General Raul Bacalzo na ideneposito, tinuos at “accounted for” ang lahat ng shares na ibinibigay ng PCSO sa national headquarters ng pulisya.

Ngunit, sinabi naman ni Bacalzo na walang record ang PNP sa pinaggamitan ng pondong ibinigay ng PCSO sa regional police headquarters hanggang sa panlalawigan, panglungsod at pangmunisipyong tanggapan ng PNP.

“On the regional down to municipal police stations, we have no official report on their disbursement as of this date,” ayon kay Bacalzo.

Sa ganitong punto, inamin naman ni Rojas na walang ligal na basehan ang nakaraang board of directors nang aprubahan nila ang isang resolusyon na magbigay ng porsiyento ng kita ng STL sa mga kongresista ng mga distrito kung saan may operasyon ang naturang ligal na pasugalan.

Base sa rekord umano ng PCSO na pinagtibay ng nakaraang board, bagama’t inaprubahan ang resolusyon na nagbibigay ng bahagi ng kita ng STL sa mga kongresista, walang binanggit na kadahilanan o basehang ligal ang naturang hakbang.

“Basta inaprubahan lang nila, wala pong basehan,” ayon kay Rojas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply