Toni Gonzaga super excited sa movie nila ni Uge

EXCITED na si Miss Toni Gonzaga na ipapalabas ang pelikulang pinag-samahan nilang dalawa ni Eugene Domingo ang “Wedding Tayo, Wedding Hindi” ng Star Cinema and Octo Arts Films.

Ayon sa dalaga ni Mommy Pinty, nagkasama na raw sila ni Uge sa isang pelikula noong 2006 sa “You Arte The One’” pero saglit lang daw ito. Hindi katulad sa pelikulang ito na talagang silang dalawa ang bida kaya matagal raw ang kanilang bonding dahil nga sa tagal nilang nagkasama sa mga eksena.

Parehong magaling na komedyante ang dalawa pero walang sapawan na nagyayari dahil bukod sa may kanya-kanya silang role, nagbibigayan sila sa mga eksena.

Malaki naman ang pasasalamat ni Uge kay Toni sa natanggap niyang regalong bag noong birthday nito last June.

Nakita raw kasi ni Toni na naka-display ang nasabing bag sa isang mall at agad niya itong binili dahil alam niyang bagay ito sa kanyang co-star.

Alam mo na!!!

oOo

HINDI pa man nakarating sa ating bansa ang nag-iisang Superstar na si Miss Nora Aunor, kung anu-anong intriga na ang binabato sa kanya.

Isa sa mga ito ay iyong gagamitin na naman daw siya diumano ng ating kasalukuyang gobyerno (Noynoy Aquino) laban sa dating administration ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Paki refresh natin ang ating utak. Di ba noong tumakbong senador si Gloria, tinagurian itong Superstar ng Senado dahil sa kanyang pagkakahawig kay La Aunor kaya ito nanalo dahil madali siyang natandaan ng mga botante?

Sinakyan naman ni dating President Gloria, na ngayo’y congresswoman na ng Pampanga, ang pagkakahawig niya kay Ate Guy dahil sa kanyang nunal sa pisngi.

Matatandaang isa rin si Nora sa umakyat noong sa Edsa People Power 2 para kondenahin ang dating President Erap na bumaba na ito sa pwesto dahil hindi niya kayang pamahalaan ang ating bansa.

Simula ng naging senadora si Gloria hanggang makarating siya sa Malakanyang, kung anu-anong pangako ang sinasabi niya kay Ate Guy.

Pero ang tanging hiling ng Superstar ay tulungan nito ang kanyang mga fans kaya sinabi ng dating president Gloria na mag-donate siya ng mga computer para makapag-aral ang mga fans nang nag-iisang Superstar.

Marami pa siyang ipinangako sa mga ito na kesyo raw gagawin National Artist si Nora pero naunahan pa siya ni Direk Carlo Caparas.

Hanggang sa nag-migrate na lang si Nora, pero kahit ni isang pangako ay walang natupad. Para kay Ate Guy, sana wag na siyang magpagamit sa kung sinu-sinong politiko dahil baka masira na naman siya.

Kaya sa kanyang pagbabalik, marami na naman ang pumapapel dahil alam nila na naririyan pa rin ang La Aunor magic pagdating sa masa.

Alam mo na!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply