Tour de France binalot ng trahedya

NABALOT ng aksidente ang Tour de France kaya kinabahan ang ilang riders nang ang dalawang siklista ay masaktan at sumalpok sa television car sa ninth stage.

Si Spaniard Juan-Antonio Flecha ay tumalsik at nasugatan, ayon sa ulat ng mga organizer.

Samantala, si Dutchman Johnny Hoogerland naman ay sumalpok sa barbed-wire fence.

“He was lying in the barbed wire, completely in it, in the barbs, his pants were completely off, he was completely naked,” pahayag ni Michale Cornelisse, ang sports director ng Hoogerland’s Vacansoleil team matapos saklolohan ang rider.

“I just saw him flying through the air. He has deep cuts in his legs, he was going at 60 kph, it was unbelievable,” dagdag pa niya.

Si Flecha ay nasugatan sa siko habang si Hoogerland ay nabalot ng dugo ang mga hita nang papalapit na sila sa dulo ng lines.

Nabatid na si Tour’s new leader Thomas Voeckler ay nakita mismo ang pangyayari at sinabing nagtangka ang kotse na unahan o i-overtake ang limang bikers.

Nagpapasalamat naman siya at hindi siya ang nasalpok ng sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply