Tourism Congress ayaw kay Lim

NAGULAT si Tourism Secretary Alberto Lim ng malaman ang kumakalat na balita na kasama siya sa mga kabineteng matatanggal dahil laging may hatid na masamang balita kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nagtataka umano ang kalihim kung bakit siya nakasama sa listahan dahil wala naman umano siyang nababanggit na masamang balita sa Pangulo. Dahil dito ay balak ng kalihim na maka-usap ang Pangulo hinggil sa kumakalat na balita at upang malinawan niya ang nabanggit na isyu.

Kasalukuyan umanong nasa San Francisco, USA si Lim bilang bahagi ng roadshow na programa ng ahensya na umaakit sa mga second at third generation na mga Fil-Ams na bumisita sa Pilipinas.

Ang programa ay 12 araw na tour sa anim na siyudad sa Amerika na bahagi ng programa ng Aquino administration kung saan idineklara ng Pangulo ang taong 2011 hanggang 2016 na Pinoy Homecoming Years.

Sa mga hiling umano ng Tourism Congress para siya’y palitan, isiniwalat ni Lim na sa kanyang nominasyon pa lamang ay ayaw na sa kanya ng mga ito lalo na ng siya’y iupo bilang kalihim ng Department of Tourism.

Ito”y dahil isinusulong niya ang mas malawak na playing field sa larangan ng turismo. Binuksan niya ang pinto para makapasok ang mas maraming private sector participation na accredited bilang tourism enterprise at maging miyembro ng Tourism Congress na pinapayagan ng batas. Kasalukuyang nirerebisa ang implementing rules and regulations ng Tourism Act of 2009 na itinuro ng House Committee o tourism para rebyuhin ang membership ng Tourism Congress. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply