Trabaho para sa unemployed nurses isusulong

ISUSULONG ng isang mambabatas ang special local jobs plan para sa dumaraming unemployed nurses sa bansa na umaabot na sa mahigit 200,000, pagkumpirma ng Department of Health.

Sa House Bill 4582,  nais ni LPG Marketers Association Rep. Arnel Ty ang pagbuo ng jobs plan sa pamamagitan ng pagpapalawak sa bersiyon ng Nurses Assigned in Rural Service (NARS).

Ang NARS program ay short-lived project kung saan nagpapadala ng mga nurse sa mahihirap na probinsiya ang pamahalaan.

Sa nasabing panukala, hihilinging magkaroon ng special program ang pamahalaan para mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay kahit 10,000 practitioners lamang kada taon.

Ang nasabing hakbang ay nais na maipatupad ni Ty dahil sa nakaaalarma umanong pagbaba ng pag-asa ng mga nurse na magkaroon ng trabaho ayon sa kanilang propesyon.

Ito ay matapos bumaba sa 3,000 Filipino nurses na lamang ang tangkang makapaghanap ng trabaho sa United States sa unang semestre ng 2011, kalahati ng bilang na naitala noong 2010.

Lumalabas na sa unang tatlong buwan noong 2010, may 5,553 Pinoy nurses ang umasa sa nursing labor market sa US.

“We can no longer count on the US labor market for jobs.”

Nasa 2010 record din na may 167,597 nursing graduates ang nai-produce sa US colleges sapat para sa malaking pangangailangan ng American hospitals and nursing homes.

Inihalimbawa rin ni Ty ang mababang bilang ng mga nurse na kumuha ng pagsusulit sa US National Council of State Boards of Nursing at National Council Licensure Examination for Registered Nurses (NCLEX)  mula Enero hanggang Hunyo na umabot lamang sa 2,984.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply