Trader patay, 1 pa sugatan sa ambush

PATAY agad ang isang negosyante habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos paulanan sila ng bala ng apat armadong kalalakihan sa Quezon City, iniulat Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Simon Pangan, 48, ng Greenland Marikina City. Nasa malubhang kalagayan naman ang kasamahan nito na si Manuel o Manolo Dadivas, agad naitakbo sa Far Eastern University hospital.

Inilarawan ng pulisya ang mga nakatakas na suspek na pawang naka-pulang helmet at black jacket.

Sa inisyal na ulat ni PO1 Jason Tolentino, naganap ang insidente sa Doña Nicasia Subdivision, corner Samsung St., Brgy. Commonwealth, alas-12 ng tanghali.

Sakay ang mga biktima ng Honda CRV (GYB-808) na minamaneho ni Pangan nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo na may angkas na tig-isang lalake at pinaulanan sila ng bala.

Bagama’t sugatan si Pangan ay nagawa pa nitong makalabas ng kanyang kotse at magtatakbo pero sinundan siya ng mga supsek at muling pinagbabaril hanggang sa mamamatay.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply