Traffic enforcer tigok sa resbak

TODAS agad ang isang traffic enforcer ng pamahalaang lungsod ng Navotas habang malubhang nasugatan ang kasamahan nito matapos itong balikan at pagbabarilin ng riding in tadem na suspek na hinuli ng una dahil sa traffic violation kagabi, Linggo, sa Lapu Lapu. St., Northbay Boulevard South Navotas City.

Nasawi mismo sa pinangyarihan sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa kaliwang dibdib ang biktimang si Crisanto Roxas, 42, kawani ng City Traffic & Parking Management Office ng Novotas City Hall at residente ng Sngelis 1 St., Leongson San Roque ng nasabing lungsod.

Nasa kritikal na kalagayan naman sa Tondo Medical Center ang kasamahan nitong si Charlson Luzuriaga, 28 at resident eng Blk 31, Lot 44, Phase 2 Area 2 Dagat Dagatan Navotas, dahil sa tama ng bala sa tiyan na ikinasugat ng bituka nito.

Pormal na inatasan ni Navotas City Mayor Jonhrey Tiangco si Sr. Supt. Florencio Quebuyin na bumuo ng manhunt operation sa agarang ikadarakip ng suspek na si Joel Castillo y Bitoon, ng 301 Patria St., Balut Tondo, Maynila at ang hindi nakilalang drayber ng motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Provido ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong 6:00 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Lapu-Lapu st. kanto ng M. Naval sa nasabing barangay.

Nabatid, na dakong 5:30 ng hapon naman nang sitahin at hulihin ng biktima si Castillo dahil sa paglabag nito sa city ordinance na bawal magmaneho at uamngkas sa motorsiklo ng walang helmet.

Kinuha ni Roxas ang driver’s license ni Castillo at inisyuhan ng citation ticket.

Nagalit ang suspek matapos tanggihan ng enforcer ang kahilingan nito na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa mabilis na pasibatin ang kanilang motor.

Kalahating oras ang lumipas nang binalikan ng suspek na armado ng baril ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima sa nasabing lugar.
Roger Panizal

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply