Trak sumirko: 1 patay, 40 sugatan

PATAY ang isa habang mahigit sa 40 ang sugatan nang sumirklo ang isang 6×6 truck sa Sitio Kurawitan, Barangay Binatug, San Mariano, Isabela.

Kinilala ni C/Insp. Ruby Capinpin, hepe ng PNP San Mariano ang nasawi na si Eugene Leoncio ng Brgy. Zone 1.

Nabatid na lulan ng truck na minamaneho ni Victorino Baldoz ang mga trabahador ng ethanol plant sa nasabing bayan nang mangyari ang insidente kung saan bigla na lamang umano pumalya ang preno ng truck dahilan upang dumausdos ang trak hanggang sa bumaligtad.

Nilalapatan naman sa ospital sa kasalukuyan ang mga sugatan habang pansamantalang nakakulong ang driver ng truck sa lockup cell ng PNP San Mariano, Isabela.

Si Baldoz ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply