Trak sumirko:44 paslit patay sa Bangladesh

APATNAPU’T APAT paslit ang namatay habang 15 pa ang sugatan matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyang trak sa Bangladesh.

Nabatid na kagagaling lang sa isang soccer tournament ang mga biktima na may edad 10 hanggang 13 taong gulang nang mahulog ang sinasakyan nito sa isang kanal at bumaliktad.

Nagpaabot naman sina Banglades President Zillur Rahman at Prime Minister Sheikh Hasina sa mga pamilya ng mga biktima ng pakikiramay na karamihan ay sa Abu Tarab Government Primary School at Anjuman Nessa Government Primary School nag-aaral.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply