Transmission tower ng NGCP sa North Cotabato nag-collapse sa baha

GUMUHO ang transmission tower ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa North Cotabato makaraang umapaw ang tubig-baha, Linggo ng umaga.

Dahil sa nangyaring insidente, nawalan ng suplay ng koryente ang Maguindanao at Cotabato City.

Ayon kay Crisente Ferolino, manager ng Cotabato Light and Power Co. (Colight), nag-simula ang brownout sa dalawang area, alas-5:00 kaninang umaga.

Nag-collapse ang transmission tower na malapit sa Lumayong river sa Kabacan, North Cotabato at naapektuhan din ang katabi nitong transmission tower.

Ang nasabing tower ang nagdadala ng 69 kilovolts (KV) line mula sa Kabacan papuntang Simuay Substation na nagsu-supply ng koryente sa Cotabato City at Maguindanao.

Agad namang inayos ng NGCP ang nasirang tower at tiniyak na maibabalik kaagad ang supply ng koryente sa mga naapektuhang lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply