Transparency sa industriya ng langis hiniling

HINILING ng isang mambabatas na maging transparent o bukas ang tatlong higanteng kumpanya ng langis at iba pang small players sa pagpapakita sa madla ng kanilang mga libro ukol sa kalagayan ng kanilang pinansya.

Hindi na umano sila papayagang makapagtaas ng presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo kapag naipasa na ang pag-amyenda sa Republic Act 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.

Sa House Bill 4893 ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, labag sa batas ang magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis ng hindi pa naaaprubahan ng Department of Energy (DOE).

Pananagutin sa batas ang lalabag dito ng dalawang taong pagkakulong at pagmumultahin pa ng P500,000.

Ani Acop, sa nasabing batas, kailangang isumite ng oil companies ang kanilang books of accounts at iba pang financial documents, kasama na ang kanilang verified assumptions and computations na ginagamit sa pagdetermina ng price adjustments sa mga petroleum products.

Mandatory umano ito at ang hindi susunod ay papatawan ng parusa, ayon pa kay Acop, Vice Chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

Titingnan din ng DOE ang iba pang factors na nakaaapekto sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis, ani Acop, at dito nila ibabatay ang kanilang evaluation.

Binanggit din ni Acop na ang deregulation sa oil industry noong 1998 ang nakitang solusyon sa kakulangan at vulnerability ng ekonomiya noon mula sa price shocks dahil umaasa lamang tayo sa imported na langis.

Mula umano noon ay wala nang epektibong control ang gobyerno sa oil industry liban sa pagmomonitor.

Ngunit sa nasabing batas, ang DOE, Departments of Trade and Industry (DTI), Science and Technology (DOST) at Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga monitoring agencies ng gobyerno sa presyo ng langis.

Ani Acop, sinamantala ng oil companies ang  polisiya, kung saan pinatas nila ang presyo ng langis sa 535% mula nang maipasa ang Oil Deregulation Law noong 1998.

Gayunman, hindi nito nalutas ang global oil crisis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply