Transport strike sa Southern Tagalog ikinasa

SINIMULAN na ng militanteng transport groups ang kanilang kilos protesta bilang pagkondeana sa sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng petrolyo at mga bilihin sa ilang lugar sa Southern Luzon.

Ayon sa grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang nasabing welga ay bahagi ng kanilang aktibidad at paghahanda sa muli nilang pagkilos mismo sa araw ng State of the Nation Address” sa July 25 ni  President Benigno Aquino III.

“Ang transport strike ay may kinalaman sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagtaas ng toll sa SLEX at ibang bilihin. At ito ay buildup activity ng ating mga kababayan at kasama sa Southern Tagalog para sa malaking People’s SONA sa July 25 kung saan nais nilang ihayag ang damdamin dahil sa one year taas-presyo ng langis walang pagbago sa sahod sa ilalim ni Pangulong Aquino,” ayon kay PISTON secretary general George San Mateo.

Sinimulan kanina ng alas-5 ng umaga na magtatapos ng alas-5 ng hapon ang welga na inilunsad sa Laguna, Cavite, Batangas, at Quezon provinces.

Ani San Mateo, mayroon silang 10,000 miyembro ng PISTON sa Southern Luzon at may mga nakaplano pa silang pagkilos na gagawin sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply