Transportation official gaya-gaya kay Imelda

GAYA-GAYA ang isang opisyal ng sektor ng transportasyon kay dating First Lady at kasalukuyang Ilocos Norte Representative Imelda Marcos matapos na rumampa sa Edsa na mayroon pang taga-payong.

Batay sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate, kakaiba ang estilo ng naturang opisyal dahil alam niyang rarampa siya sa Edsa kung kaya’t nagpahanda ng magic umbrella.

Alam ba ninyong pagrampa niya sa Edsa ay hindi mag-modeling o sumali sa isang beauty contest ang ginawa kundi manghuli ng mga walang prangkisang bumibiyaheng pampublikong sasakyan at overloaded na school service.

Biruin mo, alam pala ni madam na siya ay rarampa sa kahabaan ng Edsa na kung saan ay lubhang mainit upang manghuli at magpapayong pa sa bodyguard.

Hindi nakuntento si Madam sa pagbubukas sa kanya ng pintuan ng sasakyan at pagkakaroon ng bodyguard.

Nagpapayong pa sa kanyang alalay.

Huwag kang magtaka kung bakit ganito umasta si Madam dahil lubhang malapit siya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Pero hindi siya sip-sip kay PNoy kundi balita naming kabarkada at very close siya sa Pangulo.

Sa kanyang ahensya ay isinusuka siya ng mga grupo ng mga may-ari ng kalye, ang mga tsuper ba, at nasangkot din sa ayaw mawalang anomalya sa kanyang ahensya, patunay na riyan ang paggiging bahagi niya sa mga modernong teknolohiya o mga computer ba.

Ang nakatatawa kay madam sa kanyang pagrampa ay wala naman siyang karapatang bigyan ng parusa ang mga taong lumalabag sa ating batas dahil hindi siya marunong manikit ba tulad ng mga traffic enforcer dahil hindi siya deputized na manghuli kundi manita lamang. He he he! Nakatatawa ka naman, madam.

Susugod-sugod ka pala sa giyera nang wala kang dalang bala o anomang armas.
Nakatatawa, di ba?

Siguro naman kilala na ninyo siya. Kung hindi pa tiyak ang tiyahin ninyo ay may  pangalang Virgs.

Hindi ko lang alam kung ano ang apelyido. At ang taong ito ay minsan na ring nasuspinde, este,  nagbakasyon ng matagal.

Tanungin lang ninyo sa kanya ang tunay na dahilan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply