Trapik mamomonitor na sa Internet — MMDA

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong teknolohiyang tinawag na “Metro Manila Traffic Navigator” at maaari nang mamonitor oras-oras ng publiko ang bigat ng trapiko sa mga dinadaanang kalsada sa pamamagitan ng Internet.

Binubuo ang Traffic Navigator Team ng anim na miyembro at isang team leader na naka-duty ng 24 na oras at mag-ooperate ng “digitized traffic information database” sa buong araw.

Inisyal na kasama sa plano ang buong kahabaaan ng EDSA mula Balintawak hanggang Mall of Asia, C-5 Road mula Market! Market! hanggang Libis flyover, SLEX mula Nichols hanggang Alabang Exit, Roxas Boulevard mula Coastal Road hanggang Andal Circle, Quezon Avenue mula Philcoa hanggang Mayon street, at España Avenue mula Welcome Rotonda hanggang Lerma.

Nakatakdang isama na rin ngayon ang buong Ortigas Avenue at Marcos Highway at maaaring ang iba pang importanteng kalsada kung makikipagtulungan umano ang mga lokal na pamahalaan.

Aasa ang kanilang sistema sa mga nakakalat na “closed circuit Television (CCTV’s) para makunan ng video ang tunay na sitwasyon ng trapiko sa nabanggit na mga lugar na makikita sa website nila na www.mmda.gov.ph.

Kailangan lamang ng Internet connection upang mamonitor ang trapiko.  Mas mabilis umano na mamomonitor ito sa mga cellular phones na may Internet access.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply