Traumatic ang eksena ni Albie Casino dahil sa buntis isyu ni Andi

KAWANGWANG Albie Casino, dahil sa eskandalong pagbubuntis si Andi Eigenmann, napag-iinitan  tuloy siya sa Star Magic? Ayaw kasing umamin ng kampo ni Erap na ang anak nilang binata ang nakabuntis kay Andi, kaya’t  hanggat walang umaamin, mananatiling ang isa sa mga suspek ay si Albie.

At dahil napagbibintangan ang aktor na leading man ng mga bida sa Mara Clara (na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes) as one of the culprits sa pagbubuntis ng aktres, hindi na siya isinama sa gagawing movie, ang “Growing Up.”

Pinol-out na rin si Albie sa isa pang follow-up serye ng Kapamilya where Albie’s in the original casts.

Ang tanong, hanggang kailan ang suspension o parusang ipinatawa kay Albie? Balitang hangga’t wala pang DNA test to prove or disprove na may kinalaman siya sa buntis-isyu, mananatiling naka-freeze ang kaniyang career.

May ganun?

***

RAMDAM na ramdam namin ang excitement ni Mother Lily Monteverde noong siya’y gawaran ng Philippine Movie Press Club ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera award sa last PMPC Star Awards for Movies a couple of weeks ago held at Resorts World Hotel.

In gratitude, nagbigay ng appreciation party si Mother Lily Monteverde para sa bumubuo ng PMPC held at Imperial Palace Hotel Penthouse last Wednesday.

Sa kaniyang speech, nasabi niyang masaya siya sa nasabing award dahil ngayon lamang siya nabigyan ng ganitong parangal sa halos limang dekada nitong pagpu-prodyus ng pelikula.

Sa nasabing pagtitipon, masaya ring ibinida ng lady produ ang nalalapit nang showing  ng kaniyang bagong obra, ang remake ng “Temptation Island” on July 6.

Tampok sa nasabing big-budgeted film sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heusaff at Rufa Mae Quinto.

Kay Marian ibinigay ang original role noon ni Azenith Briones, kay Lovi naman ang sa dating aktres na si Jennifer Cortez, Deborah Sun role naman for Rufa Mae at kay Solenn ang role noon ni Bambi Arambulo. Kay Heart naman ang dating role ni Dina Bonnevie.

Sa direksiyon ni Chris Martinez, showing na ang Temptation Island sa July 6.

***

MAGBABAKASYON si Pokwang sa “Happy,Yipee,Yehey!” sa darating na September dahil scheduled for premier ang pelikula nitong Mother’s Day, na prinodyus ng ABS-CBN-TFC, ito ang tsikang kaniyang ishinare sa amin after Happy,Yipee,Yehey show a couple of days ago.

Pagkatapos ng premier sa US on September, isu-showing daw ang said movie sa lahat ng bansang may overseas Filipino worker (OFW), except sa Pilipinas, ayon pa kay Pokie.

“Pero, pinag-aaralan pa kung ipapalabas din sa ‘Pinas ang Mother’s Day,” bida  ng komemdyana sa amin.

Kuwento ng isang make-up artist ng Viva Films na masuwerteng naisama sa isang out-of-town show roon ng isang artista hanggang nag-TNT at doon nagtrabaho. ” Isinama siya (bida sa movie) sa US, hindi na bumalik ng ‘Pinas, nag-TNT na ro’n dahil nakipagkita siya sa isang kaibigan na matagal nang nagtatrabaho sa US.” kuwento ni Pokie.

Sa role ni Pokie, malapit daw ito sa kuwento ng kaniyang buhay,”Naengganyong magtrabaho abroad kasi malaki ang kita. Kailangan kasi niya ang pera dahil sa anak niyang maysakit.” aniya.

Ang pagkakaiba lang daw sa buhay niya, TNT ang gagmpanan niya rito samantalang noong siya’y nagtrabaho sa Japan, ligal ang kaniyang working permit.

Makakasama ni Pokie sina Noni Buencamino, Daria Ramirez at Ana Capri, samantalang sina Rayver Cruz at Xyriel Manabat ang kaniyang mga anak.

Sinyuting ang Mother’s Day sa US for almost a week habang kasagsagan ng 2011 Star Magic US Concert Tour sa Amerika.

***

Personal: Nais sana naming pasalamatan ang mag-asawang Gov. JunJun  at Andeng Ynares sa tulong at suportang kanilang ipinagkaloob sa amin nong lapitan namin sila para sa pagpapa-opera sa cleff palate ng aming pamangking si Shirlee Limon na inoperahan sa Philippine Band of Mercy Hospital due to her cleff palate.

Naging successful ang operasyon na isinagawa ni Dr. Santos, with assisting nurses, sina Brenda, May Rhea, Reyna at Dennis, na umalalay din sa pasyente. Also kay mam Roma, ang sekretarya ng PBM na umasikaso sa papeles ng pasyente.

Mabuhay po kayong lahat!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply