Tren nadiskaril sa India, 31 utas

PATAY ang 31 katao matapos madiskaril ang isang tren sa bahagi ng hilagang India.

Maliban sa dami ng mga namatay, 100 katao din ang sugatan sa aksidente.

Ayon sa ulat, binabaybay ng Kalka train ang bahagi ng Kalka, sa mababang burol ng Himalayas, malapit sa istasyon ng Kolkata nang madiskaril.

“The cause of the derailment was not immediately clear but it appeared that the driver applied the emergency brakes, wika ni senior railway officer A.K. Jain.

Inaasahang dadami pa ang bilang ng mga namatay at sugatan habang sinusuyod ng rescuers ang tumaob na tren.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply