Thrice bumagsak sa bar exam ang dyowa ni Asec

ANG pagkuha ng mga examination ang isa sa pinakamahirap na parte sa isang mag-aaral o maging sa mga nagnanais na magkaroon ng lisensya ay kailangan nilang mag-aral at magsunog ng kilay pumasa lamang sa pagsusulit.

Totoo ba ang nabalitaan ng matang kuwago ng Remate na 3 beses na raw kumuha ng bar examination ang asawa ng isang alalay ni Pang. Noynoy?

Halos hindi raw nito ipinaaalam kahit sa malapit na kaibigan ang malungkot na kapalaran na sinapit ng kanyang asawa.

Basta kasi ang alam lang ng kanyang mga kaibigan ay nag-aaral ng abogasya ang kanyang misis.

Siguro kaya nag-aral si misis upang hindi na mahirapan o gumastos pa para kumuha ng abogado lalo na’t ang alalay na ito ni PNoy ay walang preno kung magsalita at tumira ng kapwa kahit na walang basehan.

Alam ninyo kasi, baka ang naging karma ng kanyang buhay ang kanyang misis dahil ang alalay na ito ni PNoy ay lubhang masama ang ugali at ultimong maliit na tao

ay binabanatan.

Ang malungkot pa sa alalay na ito ni PNoy, akala niya ay habambuhay siyang nasa poder at kapangyarihan. Kung hindi pa alam ng marami ay sobrang dungis ang pagkatao rin ng taong ito.

Pero isa lamang ang maganda sa taong ito: may loyalty at handang itaya ultimo kaluluwa niya mapatunayan lang ang kanyang loyalty. Subalit kinakailangan ay may kapalit, kasama na ang round trip ticket pa-Amerika, tulong para makabili ng mamahaling sasakyan at pagiging bahagi ng payroll.

Ang alalay na ito ni PNoy ay isa sa mga bagman ni PNoy noong kampanyahan o umaayos sa ilang personalidad.

Feeling matalino ang taong ito na tulad ng kanyang kumikinang na noo subalit sa kabaligtaran ay pulpol din o walang ebidensyang maipakita sa kanyang mga inaakusahan.

Mayroon ding masamang ugali ito: ang pagiging pakialamero sa mga tao lalo na ngayong nakadikit siya sa poder ng palasyo.

Minsan pa ngang nagpasikat sa mediamen matapos magpakain ng pizza na akala ng mediamen ay galing sa kanyang bulsa. Yun pala ay ni-reinburse lang. He he he nakahihiya. Basta papalit-palit siya ng sasakyan at nasira ang relasyon nilang  magkakaibigan ng dahil lamang sa pera.

Akalain ninyo na matapos mapakinabangan ng kanyang grupo ang isang grupo ng kanilang kaibigan ay inonse matapos na makubra ang perang galing sa isang project na katulad ng ads.

Kung hindi ninyo siya kilala, itanong ninyo siya kay Senador Panfilo “Ping” Lacson dahil kilalang-kilala niya ito at isa itong assistant secretary. Kung anong departamento pumunta lang kayo sa Palasyo at magtanong kay PNoy. Isa lang ang tiyak: lalaki siya.

Kung hindi pa ninyo siya kilala maghanap kayo ng marmol at lapida marami sa bayan nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply